have you ever experienced those days that you just felt so gloomy? simula pa lang ata thursday ganito na ko, masaya naman ako kanina kasi nagkita kami ng mahal ko, sinamahan ko siya sa medical plaza tapos sinamahan niya ko ayusing ung form 2316 ko, pero bakit ganoon ang gloomy-gloomy ko ngayon ..iyak ako ng iyak o parang ma-iiyak... pag-matutulog na ko... pag-asa jeep...kahit ngayong asa floor.. ...well for some reason or another i'm like that today ... ewan ko ba kanina, antok na antok ako sa jeep pa lang natutulog na me pero pag dating ko sa bahay di naman ako makatulog ng maayos, na-install ko na lahat ng program ng norton internet security ala pa rin ... pati ym meron na rin siguro mga 2-3 hours lang ang tulog ko ... ang sakit- sakit ng ulo ko ngayon, balak ko sanang matulog pagdating sa office, kumain ako ng maaga pero di ko makain ung kanin kasi ang sakit ng singaw ko, kaya umalis na lang ako at kumain sa chowking ng lomi at hot chocolate, tapos sumakay ako ng lrt, kaya lang nagkaroon ng technical problem, tapos nakatapak ako ng puddle buti di nasira rubber shoes ko, sakay ng jeep okay naman hindi traffic kaya lang ung driver ng jeep parang driver ng bus kaskasero, pagdating ko sa office 10:30 pm na no time to sleep, prepare na lang ng tools, for some reason or another late si bosing, tried to help pero di naman ako nakatulong, nagalit pa ata siya ... kasi sabi nya dati communicate with other tl on what needs to be done, nung inaaproach naman kami ng tl ng ibang team, ang sabi ko huli na kami pero sabi mauna na kami at new tool ang gamiting namin kasabay ng ibang team pero old tool sila, and i tried to follow the instruction, kumuha na ko ng headset para sa magiging transcriber namin, tapos maya-maya dumating na siya, nagbago ang setup tapos di ata naman niya nagustuhan ... dapat daw kasi huli kami ...un daw kasi ung usually nangyayari ... life... ewan ko ba ... minsan ayoko ng magcomment ... natuwa daw siya sa member ng team na nagtext sa kanya ininform siya kung anong nangyayari pero sa ginawa ko ala lang.. naasar pa ata siya, am i bypassing his authority?, ngayon naman ang instruction if we receive no text or call from him ... we just inform the other tl, that we would be the last team unless we are needed to be on the queue.... mamaya may spanish class ako di pa ko nakakapagreview goodluck na lang mamaya sa kin ... sarap mag-absent sa spanish class ko ...hehe
Saturday, December 10, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment