ewan ko ba di ko alam ngayon kung anong gagawin ko sa buhay ko. right now, ang sakit-sakit ng ulo ko, i tried to be well rested and all pero hindi yata effective, na sobrahan ako ng tulog. alam mo ung sakit ng ulo na parang may pumipiga sa temple mo ... ang sakit ... sakit ...grabe, medyo palpak ako sa office pero sabi naman ni tl, bumawi naman ako ... nakakalungkot ... kala ko everything will be okay today... life... well i guess it's all about handling the situation, right?
may nirefer ako dito sa company i wonder kung pumasa siya ... life i really hope so...
ung spanish lesson ko ... ewan ko ba parang tinatamad akong mag-aral pero kailangan eh... o ala lang siguro ako sa mood ngayon.... di na nga ako nakakagawa ng post ko tungkol sa past lessons namin ... life... pressure na ba ko sa work? di namn....un nga lang pag sobrang dami ng question parang nakakabrain freeze.
spanish lessons? okay naman magaling ang prof ko pero need to do some catching up...
love life? miss na miss ko na boyfriend ko di na kami halos nagkikita eh mahal na mahal ko pa naman un, un nga lang ayaw ng mama ko sa kanya ... bkit kasi di daw niya mbibigay ung luhong meron kami ... life.... minsan nakakaasar pakiramdam ko ang mama ko ang nangangarap lagi para sa akin....buwisit.
minsan ang sarap lumayas sa bahay un nga lang marami akong iaadjust ... unang -una ala ng katulong... kailangan ko mabuhay mag-isa kasi sabi ni mama kakalimutan na raw niya ko, is it worth it? i guess i really need to find what i want in life before running away ...
Thursday, December 8, 2005
sakit ng ulo koh
Posted by jellybeans at 12/08/2005 09:56:00 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment